OPISYAL NA PAHAYAG NI PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY
Mga kababayan ko sa buong sanlibutan ng Pilipinas, buong sanlibutan, magandang araw, magandang umaga, magandang hapon, magandang tanghali, at magandang araw sa inyong lahat.
Ang pangungusap ko pong ito ay napakahalaga para sa lahat ng mga kababayan nating Pilipino na makikinig at manonood sa akin although hindi niyo nakikita ang mukha ko.
Ito po si Pastor Apollo Quiboloy, ang Appointed Son of God ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name. Sana po, press conference ang tatawagin ko ngayon pero dahil nanganganib ang buhay ko ay hindi po muna ninyo makikita ang aking pagmumukha. Ang akin lang po munang boses ang inyong maririnig.
Mahalaga po ito na sasabihin ko sa inyo.
Mga kababayan, mula po noong 2018, ako ay linigalig na at ang aking kongregasyon. Nang walang dahilan, ginawan kami ng kaso doon sa bansang Amerika. Sumunod kami sa batas, kung kami [ay] sinabi nalang mayroon kaming violations na hindi pa napatotohanan, iyan po ay nasa kanilang federal court na.
Kumuha kami ng dalawampung (20) lawyer upang pag-usapan ang lahat ng kanilang akusasyon which is about 43 counts. Lahat pong iyan ay mayroong dalawampung (20) lawyers na nakatutok at mayroon na po kaming depensa. Naghihintay po ang aking mga lawyer sa Amerika at sa Pilipinas na simulan ang trial mula 2018 – pinostpone, ginawang 2020 – pinostpone, ginawang 2022 – pinostpone, 2021 ganoon din. 2023 [na] sana pinopostpone – [ito] ay pinostpone parin. Ngayon, hindi na po papayag ang judge. November 5, 2024 [ay] talaga pong itutuloy na.
Ngayon, ako naman nandito, sapagkat indicted din ako – sealed indictment pa nga ng tatlong taon – hindi ko alam na ako indicted ako, so anytime pupunta ako doon, poposasan na ako, hindi ko alam. Pero salamat naman sa Panginoong Diyos sapagkat hindi na ako bumalik doon at hindi nangyari iyon. So dahil kasama ako sa kaso, ang aking mga workers na siyam o walo kaming lahat, ako yung number 1 na principal, okay lang. Sapagkat ako naman ang leader ng Kingdom at ako naman ang target nila.
Sa anong paraan, ginawan kami ng kasong hindi naming alam at kumuha sila ng mga witness. Handa na po kaming lahat, lahat ng aming depensa, lahat ng aming documents, ang aking mga lawyers – US based lawyers – handang-handa na po kami. Pinopostpone nila palagi pero ngayon hindi na.
Ngayon, ako dito sa Pilipinas, dahil nandito ako noong dumating ang mga kasong iyan. Hindi ako lumayas sa Amerika kundi dumating ako dito wala pang kaso. Kinasuhan ako ng naka-sealed indictment, hindi na ako nakabalik doon pero nandito na ako sa Pilipinas, so hindi po ako tumakas.
Ngayon dahil nandito ako, I will use my constitutional rights for extradition na siyang treaty ng ating bansa. Iyan po ang hinihintay ng mga lawyers ko dito sa Pilipinas at sa Amerika. Hinihintay namin ang request ng US embassy sa Department of Foreign Affairs, hindi po dumating. Sapagkat kung iyan ay pag-uusapan, i-endorse doon sa Department of Justice, wala din doon. Hinintay namin para pag-usapan ang extradition treaty kung paanong gagawin. Handa din po ako sa kasong iyan kung ako ay ma-extradite pagkatapos mapag-usapan at nakadaan na kami ng Court of Appeals, Court of First Instance, at Supreme Court. Kung ilang taon iyon, dapat magtiis din sila. Hindi dumating iyon, hinihintay ko hanggang ngayon, wala pong request na ganoon.
Ngayon, ito po ang mahalagang ibabalita ko sa inyo. Mula noong 2018 hanggang ngayon, hindi na po kami mapakali sa ating sariling bansa. Nawala po ang aming kalayaan, sapagkat kami dito ay sinusurveillance. Sinusurveillance ako dito sa Pilipinas ng CIA at ng FBI. Sarili ko pong bansa, ako po ay nagtatago sapagkat liligwakin ako ng ganun-ganoon lang, walang extradition process na gagawin.
Dumating po sa aming kaalaman sa mga sandaling ito, from reliable sources, correct me if I am wrong, but these are reliable sources na dumating sa akin na ayaw na raw po nila ng extradition treaty. Ang kanila daw pong gagawin, ng CIA, ng FBI, ng US Embassy at state department kasabwat ng ating gobyerno ng Pangulong Marcos at ng First Lady at kung sino pa man ang nasa gobyerno, ay rendition ang kanilang gagawin. Ang rendition ay ibig sabihin po, anumang oras ay pwede nilang pasukin ang aking compound at ako ay kidnapin. It’s not only rendition but also elimination. If it is possible, pwede nila akong i-assassinate. Nandoon po sa dalawang iyon – kidnapping or assassination. Killing talaga, murder. Iyon po ang dumating na balita sa akin ngayon from reliable sources.
Kaya mula 2018, alam na po namin na may gagawin sila, hindi lang namin alam kung papaano sapagkat ang hinihintay namin ay extradition sapagkat iyon ang treaty natin. Ngayon, ito pong gagawin nila, dahil hindi na sila dadaan doon ay illegal – kidnapping or elimination or assassination.
Hindi po ba sa ating sariling bansa, ang aking constitutional rights [ay] nawala na? Sapagkat ako po ay binigay na sa kamay ng mga banyagang ito ng ating sariling gobyerno, ni Pangulong Marcos at ni First Lady Araneta-Marcos.
Huwag kayong magkaila, kung totoo itong sinasabi ko, angkinin n’yo kung hindi, i-correct ninyo ako. Sapagkat ang buhay ko ngayon ay nanganganib. Kahit mukha ko hindi ko pwedeng ipakita sa inyo sapagkat ako ay ibinigay na ninyo sa kamay ng mga amerikano at gagawin nila ang gusto nilang gawin sa akin sa aking sariling bansa.
Ang aking 11 compounds, araw-gabi, sinusurveillance ng drones. Hindi po kami makatulog. Hindi kami mapakali. Baka yung ginawa nila sa amin noong 2020 doon sa Amerika na bigla kaming pinasok, pinaggigiba ang pintuan, pinaggigiba ang lahat ng aming pamamahay sa loob, linigwak lahat – ay gagawin nila dito sa aming Bansang Pilipinas, sa aking mga compound.
Saan man po ako naroroon, nandodoon sila nakasurveillance sa akin at naghihintay nalang ng tamang pagkakataon upang ako ay kidnapin o kaya ay patayin o kaya i-assassinate na ganun-ganoon nalang para mawala ako dito sa mundong ito na kanilang… bakit ako naging hadlang, hindi ko po alam.
Hindi lang po iyon mga kababayan, kundi ang aking leaders lahat, kasama na sa elimination. Ito pong aking Board of Administrators, senior leaders, lahat po sila ay pwede na rin nilang patayin lahat. At pagkatapos hindi namin alam kung anong plano nila sa buong properties namin sa Kingdom Nation.
Bakit ganito sila kagalit at bakit ganito ang kanilang treatment sa akin na isang Appointed Son, ang ministry ko po ay evangelizing the whole world with the Word of God. Hindi ko naman kasalanan ako’y maging kaibigan ng politikong tulad ni Pangulong Duterte, Vice President Sara. Taga-Davao po kaming lahat. Lumaki kaming lahat dito. Alam ko po ang aking mga kaibigan sila, lumaki kaming mayor namin ‘yan, prosecutor pa, naging congressman, naging president. Iyan po ay aking pakikipag-ugnayan for nation-building. Wala akong ibang interest sa bansang ito kundi ang pag-unlad.
Ngayon, ako po ay inuusig. Ako po ay ginigipit. At ako po ay sinasaktan sa lahat ng paraan ng mga false accusations, false allegations na ayaw naman nilang pumunta sa korte at pagkatapos ayaw din nilang harapin – ipaharap itong mga false accusers na pinaggagawa nila to destroy my reputation para idamay sila Duterte family doon sa kapupuntahan ng mga imbestigasyong walang kakwenta-kwenta. Hinamon ko na kayo, punta kayo sa korte. Ayaw ninyo.
Ikaw Risa Hontiveros, ikaw, kayong tatlo dyan na nasa Kongresong puro leftist, hinahamon ko kayo na punta kayo sa korte sapagkat ang SMNI, walang kasalanan, ginurgur ninyo, sapagkat idinadawit ninyo kami sa pulitika.
Inalis ninyo ang aming malayang pagpapahayag, ang aming press freedom, pati ang liberty ko na, ang aking freedom, ang aking constitutional rights wala na po.Palagi kaming nagtatago, palagi kaming lumilingon sa likod namin sapagkat hinahabol kami.
Nakapalibot sa amin ang mga CIA, alam namin yun. FBI nandiyan din. Pinag-usapan na ito diyan sa State Department at ang reliable sources dumating sa akin, ang ulo ko po ngayon may patong na $2 million or 100 milyon pesos, ang ipinatong sa ulo ko. Baka yan ay madagdagan pa kung may maunang makapatay sa akin.
Ano ang nangyayari sa bansa natin? Ngayon mga kababayan ay mayroon pa pong gagawin daw sila sapagkat mayroon na daw silang search warrant.
Pagkatapos daw ise-search ang aming lahat ng compound at hindi daw kami papayagan na mayroong witness na sasama, at ang balita namin kung ito’y totoo, sa reliable source ay nagsasabi na paplantingan daw kami ng bomba, guns and drugs sa aming mga compound.
Yan po ay aming babantayan. Sinabi ko na po sa inyo dito sa live na ito para kung mangyari man ang mangyayari sapagkat wala po kaming ganoon ay sila po ang may kagagawan noon.
Ganito ka evil ang kanila pong mga pag-iisip sa ngayon, masyadong desperado, ewan ko kung bakit. Kung kayo nasa katotohanan, nasa kapangyarihan, bakit kayo natatakot? At huwag ninyo pasamahin ang aming mga abogado? Para sumama sa inyo sa pages-search? Ay kaduda-duda na yun.
Hindi pupwede yun. Bansang Hapon ng panahon ng gyera? Ano ito panahon ni Hitler? Na wala kaming pwedeng lawyer na sumama sa inyo? Kayo-kayo lang? Pagkatapos pwede niyo kaming barilin pagka kami nakikipag usap na kailangan may witness.
Para camerahan namin ang ginagawa ninyo na wala kayong lusot kung mayroon kayong gagawin na kabulastugan, at pagkatapos ipapatong ninyo sa amin. Pagka ito ay totoo, we will resist you.
Hindi kami violent pero hindi kami papayag na wala kaming mga witness na sasama sa inyo, lawyer at saka barangay captain ang hinihingi namin na magiging witness sa lahat ng search na gagawin ninyo, sa lahat ng aming pamamahay, kwarto o kung ano.
At may lawyer kaming titingin muna sa inyong dokumento kung ano ang ise-search niyo, kung anong bahay, kung anong compound, kung ano lang ang dapat ninyong gawin, at ilang oras. Hindi ito open-ended e.
Kailangan meron,…sisisihin namin ang judge na gumawa ng search warrant pagka hindi ninyo ni respect ang aming constitutional rights. Huwag ninyong tapakan ang aming rights. Hindi din namin tatapakan ang rights ninyo, bilang kayo ay nasa batas, igagalang naming iyon, pero igalang ninyo kami kasi meron kaming mga narinig na ginawan ninyo ng mga ebidensyang peke, tinamnan ninyo pagkatapos ipapatong ang kaso sa amin.
Religious community po ito. This is a spiritual community, once na tumapak kayo dyan sapagkat kayo ang nagdadala ng batas respetuhin ninyo, you are on holy ground.
Yan po ay mahal na mahal naming banal na dako. Huwag ninyo lapastanganin. Pero hindi namin kayo pipigilan pagka may search warrant kayo. Pero hindi kami papayag na hindi kami makakasama ng kasama namin, hindi makikialam sa inyo, titingin lang sa lahat ng gagawin ninyo.
Kasi hindi na kami kompyansa sa gobyernong ito. Gagawa at gagawa sila ng paraan para kami ay bigyan ng kasalanan. Yan po babantayan natin yan. Pag hindi sila pumayag, then sigurado magpaplanting sila ng evidence. Pag pumayag sila, then fair ang laban.
Hindi namin sila pakikialaman, titingin lang ang aming mga witness na mga lawyer atsaka barangay captain at kung sino man ang mga witness na nandodoon mula sa aming side, kasi nandoon sila.
Hindi na pwedeng gawin wantonly ang kanilang gagawin doon sa aming mga compound na wala kaming witness. Because they can do anything to implicate us to plant false evidences and charges against us. Ganoon ang aming paningin dito. Kaya huwag ninyo kaming pigilan para pantay ang laban natin kasi nakikita namin na ang pamamahalang ito ay hindi na po matuwid.
Biro ninyo, ginigipit kaming ganito wala naman kaming ginagawa sa bansang ito. Sinabi ko nang muli, hindi kami nagde deal ng drugs, hindi kami violenteng tao, hindi kami terorista, mangangaral kami ng mga Salita ng Diyos.
In fact, dito sa aming compound sa Tamayong kami ang nakapagbigay ng peace sa mga kababayan nating sinisila ng CPP-NPA-NDF, tinatakot at pinapatay.
Ngayon wala na sila, may peace na kami. Ito namang gobyerno natin, ito ang ginagawa nila sa amin. Biro ninyo mga compound na religious ng Kingdom of Jesus Christ, ginaganito nila? Pero yung pagnanakaw nila sa gobyerno wala silang sabi.
Tiklop bibig, hindi sinisearch ang mga bahay na pinagbibili nila na gamit ang pera ng gobyerno. Anong klase kayo? Sige gawin ninyo ang gusto niyong gawin sa amin pero kami tatayo sa aming constitutional rights whatever happen, happens. Tatayo ako sa kalayaan ko sa bansang ito na pinakamatyan ng aking mga national heroes.
Yan mga kababayan, bantayan po natin. Hindi po ako magpapa aresto sapagkat ako po ay siguradong papatayin. Kasi rendition na ang kanila hindi na po extradition. Kaya wala na akong kalayaan at wala na po akong depensa sa sarili ko kundi ang Panginoong Diyos lamang.
Kung paanong itinago ng Diyos si Elijah sa evil woman na si Jesibel na ang nagpakain sa kanya ay mga ibon na lang, ganoon din ang gagawin ng Diyos sa akin. Hindi ako ibibigay sa kamay ng masasama pag ganito ang pamamahala.
It’s an evil, unrighteous administration. I am telling you that.
Bantayan natin ito mga kababayan ko. 73 years na po ako, mag 74 years na ako dito. Lahat ng administrasyon nadaanan ko na. Lahat ng mga nagging pangulo, mula kay Diosdado Macapagal, mula po sa maliit pa ako, kay Magsaysay, kay Carlos P. Garcia, kay Diosdado Macapagal, kay Marcos Sr., kay Cory Aquino, pagkatapos kay Ramos, pagkatapos kay Gloria Macapagal, pagkatapos kay Erap, pagkatapos kay Ramos, pagkatapos si Aquino Noynoy, pagkatapos ang ating pangulong Duterte, wala po kaming nadaanang ganito na ginigipit kami sa aming sariling bansa ng mga dayuhan na kasabwat ang ating pamahalaan na aking sinuportahan pa naman noong nakaraang eleksyon.
Tandaan mo president Bongbong Marcos, first lady Liza Marcos, pati ikaw Martin Romualdez, hindi kayo diyan ngayon kung hindi kayo tinulungan ng SMNI at ng buong sangkatauhang Pilipino. Naniwala sila sa amin sapagkat ang SMNI lamang ang may credibility, noong panahong iyon hanggang ngayon.
Ngayon, anong ginawa niyo? Pinaggagawan ninyo kami ng kasalanan, inilagay ninyo kami sa kahihiyan, pagkatapos binilanggo pa ninyo ang dalawa naming mamamahayag, pagkatapos inaapi ninyo kami ng ganito-ganito lang.
Ang amin pong tolerance it has come to the ream. Our tolerance has been to the roofs already. Alam ninyo, hindi na po biro itong nangyayari sa bansang ito. Kung pababayaan po natin ang ganitong mangyayari na ang mga dayuhang tulad ng amerikano, CIA, FBI, state department, US Embassy, gigipitin tayo with the connivance of our own president and first lady and other members of the congress, kung pababayaan natin ito, nangyayari sa isang pilipinong tulad ko na gumagawa ng kabutihan, trying our very best para makatulong kami, humanitarian- Children’s Joy Foundation- denimonized kami, criniminalized kami, biro nyu ginagawa ninyong dangerous organization ang Kingdom of Jesus Christ, buong sanlibutan. Ang akin pong 38 years namunga ng mga ani, pitong milyong mga kaluluwa naniwala sa katwiran at nagbago ang buhay.
Ngayon ginaganito ninyo ako ng dahil sa inyong politika, na ang aking itinataas naman ang mga lider na tama tulad ni Duterte, kasalanan ko ba yon, na maniwala ako sa isang lider na matuwid at akin siyang itaas? Pagkatapos ganito kayo ka desperado para ako’y patayin, at ang lahat ng aking mga senior leaders papatayin din. Hanggang yung mga liders na pwede pang pagkatiwalaan papatayin ninyo, and then, you take over all of our properties and compound, pagkatapos lilinlangin ninyo ang mga tao, pagkatapos magtatayo kayo ng sariling korporasyon.
I-incorporate ninyo doon ang lahat ng properties na pinaghirapan- blood, sweat and tears ng aking mga members all over the world- tapos biglang bigla ililipat ninyo doon sa inyong bagong korporasyon at pagkatapos itataas ninyo ang kamay ng isang tao, tulad ni Bhandari at sasabihin ninyong ito ang lider ninyo ngayon.
Ano ang Kingdom of Jesus Christ, political government? Hindi po ganun! Mangyari na ang mangyayari, hindi po papayagan ng Panginoong Diyos ang mga bagay na itong nangyayari sa ating bansa sa mga sandaling ito.
Kung ako mabuting tao, kung ako nangangaral ng katwiran, kung ako tumutulong ng kusang loob at hindi nagpapautang loob kanino man, ginaganito ako, sino pa kaya kayo, mga kababayan ko? Bumukas na po ang mga mata natin, magkaisa na tayo, at alisin ang evil administration na ito na siyang ginagamit ng masamang espiritu, upang ang kadiliman ay bumalot sa buong bansang Pilipinas.
Alam ko mahal ninyo ang Pilipinas, mga Pilipino. Naghihintay lang tayo ng tamang pagkakataon, meron pa bang ibang pagkakataon? Tingnan ninyo ang nangyayari sa kongreso, tignan ninyo ang korapsyun, tignan ninyo ang druga.
Mismo ang ating presidente, mismo ang kanyang pamilya inakusahang druggist, inakusahang mga drug addicts, wala tayong ginagawa, mismong pangulong Duterte na ang nagsabi niyan, mismong naririnig natin araw araw, durugista siya.
Pagkatapos kami pa ngayon ang inaapi-api sa aming paglilingkod, pagkatapos sila ay mga criminal, na naka-upo dahil may kapangyarihan, kami ngayon ang liligwakin nila. Hindi ba yan karumal-dumal sa harap ng ating panginoong Diyos? Hindi ba yan isang pamamahalang hindi tama?
Si Nebuchadnezzar pinakain ng damo at ginawa siyang hayop. Ang kanyang anak si Belchazzar, nakakita ng hand writing on the wall, pagkatapos inalis ang kaharian sa kanya at ibinigay kung sino ang magiging matuwid na haharap sa Panginoong Diyos.
Ano ang tingin ninyo sa akin bilang Pastor? Denemonized ang reputasyon ko, pinagsisira. Ngayon hindi na ako buhay; I am a living dead. Kung wala ang Panginoong Diyos sa akin, pinatay na ako sapagkat lahat ng gadgets nasa sa kanila. Lahat ng gadgets ng amerikanong yan nasa sa kanila, CIA, FBI at sino pa ang kanilang mga galamay dito, na pinagbibili na nila.
Ako hindi ako drug lord, ni minsan hindi ako nakatikim ng druga. Mula’t mula pa inialay na ako ng aking ama na maging isang ministro ng banal na kasulatan, hanggang ako ay lumaki, hanggang ako ay naging 74 years old.
Hindi ko po na enjoy ang aking kabataan, sapagkat hindi ako nagliwaliw, ako po’y nangaral. Fifty (50) years na akong nangangaral; 38 years in the Kingdom ministry ni isang sigarilyo hindi tumama sa bibig ko, ni maliit na bisyo hindi ko pinasok.
Ako po ay hindi nag asawa, ngayon inaakusahan ako ng maraming babae. Ito po ang kasalanan ko: pinayaman ako ng Panginoong Diyos akala nila sa akin.
Single ako, kaya pinag aagawan ako. Pagkatapos na ako’y maghihindi, mapapahiya, ibabaliktad nila sa akin. Yan ang tinatawag kong Potiphar’s wife syndrome.
Hindi po ako nagsasalita ng ganito kasi mapahiya ang mga babae’ng iyan; nag aagawan sila. Mahirap man sabihin, pinag aagawan nila ako, dahil nanawagan sa mga magulang: “Mayaman na tayo ma, pag nangyari ito.”
Sabi ko, hindi mangyayari yan, kasi dedicated ako eh. Napahiya, ngayon binayaran at ngayon binabaliktad ang lahat ng istorya. Mahirap pong sabihin ito kasi masisira ang kanilang mga pagkababae. Napilitan lamang ako sapagkat ang buhay ko po ay nanganganib.
Anytime pwede na akong kidnapin kung nakita ang aking lair, ang aking hideout; anytime pwede na akong ligwakin. Ang aking mga BOA leaders, di na po natutulog sa compound. Kung saan saan na lang pong mga membro kami natutulog. Doon sa mga payak na mga bahay, doon sa mga bahay na hindi kilala, sapagkat lahat po kami nakalista na, na papatayin, gugurgurin. Wala po silang takot kasi nasa kanila daw ang kapangyarihan.
Mahal kung kababayan, nagtatago ako sa aking sariling bansa. sariling mga compound, sariling mga compound, sariling mga compound namin na pinaghirapan, hanggang kami ay inaakusahang nagpapalimos, pero ang amin pong sinosolicit, tignan ninyo ang humanitarian na ginagawa namin ni singko wala kaming ninanakaw. Yung mga volunteers ko, walang sweldo, araw at gabi sapagkat nakikita namin ang mga kabataang Pilipino, pinabayaan ng mga politikong iyan.
Kami po ang nagsa sacrifice para mapakain sila, mapa-aral, na wala pong bayad, pagkatapos ang kababayan nating naalipusta, kalamidad, walang tumutulong, kung may tumutulong man, politika at may kabayaran.
Nagtitiis po kami sa mga pang-aalipusta, sa paninira. Inaangkin namin, kasi Malaki ang ganti namin sa langit, ngunit pagka nakasalalay na ang ating mga kalayaan, lalo na sa mga kamay ng mga banyagang ito, na wala naman tayong ginawang masama sa kanila, tumutulong pa nga ako sa amerikang yan.
Nag do-donate ako doon sa malalayong lugar, tulad ng mga Appalachians na hindi nakapag aral ang mga bata, bumili kami ng napakalaking library, para silay makapag aral, mga amerikano po iyan, kinikilala ba nila yon?
Kung nagseselos sila sapagkat ako’y umusbong sa bansang amerika, problema na po nila yon. Kung ako binigyan ng ama ng isang sasakyang panghimpapawid para hindi ako ma delay sa aking worldwide na gawain, kasalanan ko ba yon?
Kung ako ay binigyan ng pampalipad na helicopter dito para mapuntahan ko ang lahat ng aking satellite sa buong Mindanao at Pilipinas, kasalanan ko ba yon? kasalanan ko ba na ako ay magkaroon ng paaralan para makapag-aral ang mga bata na walang bayad?
Kasalanan ko bang merong SMNI, para hindi mabayaran at pagkatapos itong salot na CPP-NPA na maraming pinatay na mga members ko, ministro at iba pang mga inosenteng Pilipino for 54 years ang magsasalita ng katotohanan na hindi natatakot.
Ngayon kami ang tinatakot ninyo? Nililigwak ninyo. Anong klase kayo! Kung hindi kayo tatayo ngayon, mga kababayan ko, sapagkat ako’y living dead na, wala nang kwenta itong buhay ko, iaalay ko ito sa bansang Pilipinas. Ako ang mamumuno, upang tayo ay magkaroon ng kalayaang muli. Unang una sa akin, sa aking Kingdom Nation, sa aking mga liders na papatayin din at sa lahat ng mga Pilipinong nagmamahal ng Kalayaan.
Tatayo ako, at ako ang mamumuno sa bansang ito, para sa katwiran at takot sa Diyos, para ibalik ang ating kalayaan at ang ating kaligtasan mula sa kamay ng mga banyaga na pinakamatyan ni Rizal, nila Bonifacio.
Ngayon ang panahon ng pagtayo. Ayaw ko pong gawin ito, hindi ako politiko. Ang misyon ko ay isang Pastor, isang alagad ng Diyos, Appointed Son, magligtas ng kaluluwa, ngunit hindi ninyo kinilala iyon, at ngayon sinisikil ninyo ang aming kalayaan, na ma enjoy namin ang labor namin for 38 years, blood, sweat and tears.
Ang gabi ginagawa naming araw; hindi kami nag molestiya ng ibang tao. Lumago ang bansang kaharian. Ngayon you are envying, and jealousy. Gusto ninyo kaming i put down. Mapipilitan akong pupunta at mamumuno sa bansang ito para sa katwiran.
Sasabihin ko sa inyo, pag ito’y kalooban ng Diyos, gagawin ko ngayon din, sapagkat ang buhay ko ay wala ng kwenta, papatayin lang din naman nila ako, ngayon tatayo na ako, para sa kalayaan nating lahat.
Mahal kung mga kababayan, ito po ang mahalagang mensahe ko sa inyo sa mga sandaling ito. Hindi ko po uurungan ang sino mang gumagapi sa bansa ko, at sa aking kalayaan na ako mismo nagtatago sa aking sariling bansa. Within 74 years, hindi po nangyari ito, ngayon lang.
Pangulong Bongbong Marcos, akala ko matuwid ka na tao. Ikaw First Lady, akala ko matuwid kang tao. Totoo ba ang ginagawa ninyo riyan na meron kayong mga sex orgies at meron kayong mga drug session na nagliligwak kayo ng drug, sumisinghot kayo ng drug, habang nag se-sex orgies kayo. Totoo ba ito?
Totoo bang kayo ay may mga session ng… nag arkila kayo ng voodoo expert from Africa, pagkatapos mga witchcraft sa India at ang inyong session Martes, pagkatapos Biyernes dyan sa Malacanang, upang inyong aswangin, I witchcraft ako, (si) Vice President Sara at Pangulong Digong at ang lahat ng tutol sa inyong paglilingkod.
Biro ninyo, naging demons na kayo; nag devil worship na kayo kung totoo man ito, nag devil worship na kayo, kung totoo man ito, para lang kayo ay manatili sa kapangyarihan, para lang kayo ay humawak ng aming perang hindi ninyo pinaghirapan!
Kami po ay nagbibigay ng taxes. Lahat ng aking Kingdom materials from China, may taxes lahat yan. Milyon-milyon ang aming binabayad, ngayon ginagawa pa ninyo sa amin ito? Matuwid ba kayo?
President Bongbong Marcos at Liza Marcos makinig kayo! Totoo ba na gumawa kayo ng aksyon kasama ang FBI na ako ay inyo nang ipaligwak at ibinigay sa kanilang kamay? Kaya’t silay gumagawa ng ganito with impunity sa ating sariling bansa.
Kung ganyan ang ginawa ninyo, I will not honor you, I will not respect you because you did not honor me and you did not respect me. You are no longer worthy to be our trusted leader.
Mabuti pa hanggang maaga pa Bongbong Marcos, Liza Marcos, Martin Romualdez, bumaba na kayo sa posisyon. Mag resign na kayo sapagkat hindi hihinto ang tinig na ito habang naririyan pa kayo.
Mga kababayan, tatayo ako sapagkat patay naman lang din ako, tatayo ako habang buhay pa hanggang may hininga pa ako para sa natitirang buhay ko ay magkaroon naman tayo ng boses at magkaroon ng kahit munting kalayaan na lang mula sa mga banyaga na kasabwat ang mga maka-feeling Pilipinong ito na itinayo natin sa kapangyarihan. Akala natin ay maaasahan natin sila, mga demonyo pala.
Sorry to say that but that is the truth. If that is not the truth then tell me, and you cannot judge me, you cannot condemn me, I am dead already. I am a living dead in your book.
CIA, FBI, States Department, USA, gawin ninyo ang gusto ninyo ngayon na nakapagsalita na ako, lalantad na ako, hindi na ako natatakot. Ako ay handa sa glorification, kung ang glorification ko ay mangyayari maging glorified body ako hindi ako tatablan ng bala, o kaya tatablan pa ako sapagkat hindi pa nangyari yun handa na akong humarap sa mga bala ninyo.
Basta ito ay nasabi ko na sa social media. Huwag ninyong ligwakin ito para sa bansang Pilipinas ito. Mahal ko po kayong lahat, pagpalain natin ang ating bansang Pilipinas, pagpalain tayo ng ating butihing Diyos, pagpalain at ibigay natin ang lahat ng kapangyarihan sa Kanya, at tandaan ninyo ito, hindi mananaig ang kadiliman sa bansang ito habang may boses na ganito.
Sumunod po kayong lahat at tayo ay magkaisa ngayon para itaas ang bandila ng kalayaan ng ating bansang ibinigay ni Rizal ang kanyang dugo, ibinigay ng ating mga heroes ang kanilang dugo.
Ngayon itong mga slaves na ito ay hawak ang leeg nila ng mga banyaga at tayoy ipinagbili na sa kanila. Hinding hindi ako papayag hanggang ako ay may buhay at hininga.
Total patay naman din ako sa inyong libro, okay na ako sa buhay ko. Masaya na ako. Mayroon na akong accomplishment. Handang handa naman akong pumuntang langit noon pa. Fifty (50) years ago I was ready to go to heaven because I have been there thousands of times and I saw my mansion there. Nandito lang ako para sa aking bansang Pilipinas, para sa kaligtasan ng mga kaluluwa sa buong sanlibutan. Yun lang ang dahilan kung bakit ako naririto.
Pero natatakot mamatay? Hindi po. Sapagkat akoy nasa Kanya, at Siya’y nasa akin. Anuman ang mangyayari sa akin tulad ng aking Amang si Jesus Christ ipinako sa krus, ay handa po akong mag-alay ng aking buhay sa isang worthy cause na sinasabi ko rito.
Magandang gabi po, magandang araw sa inyong lahat, hanggang dito na lang, pagpalain tayo ng ating Dakilang Ama. Sa Kanya lahat ang kapurihan at kapasalamatan at ang Kaharian magpakailanman ay mananaig dito sa ating bansa at sa buong sanlibutan.
To God our Jesus Christ be the glory forever. Amen.
Get a regular dose of blessings, inspiration and enlightenment by subscribing to Pastor ACQ’s website updates. Click here to subscribe →
Give Us This Day @ 18
Give Us This Day is the very first program of the Kingdom that was aired in real-time.
From its humble makeshift set to a state-of-the-art modern studio, the program has become an avenue to showcase the Kingdom’s anointed songs of worship and has paved the way for many to be enlightened by the message of the Appointed Son of God.
The King Dome — Biggest Indoor Arena in the World — Nears Completion
All of these blessings are the orchestration of the Father Almighty. It is not the work of one man. It is the work of the Father Almighty.
Congratulations SMNI — Road to Number One
Pastor Apollo C. Quiboloy, the Founder of Sonshine Media Network International (SMNI), congratulates the men and women behind the great success of the global TV network during its 1st SMNI Agila Awards.
President Duterte visits Pastor Apollo Quiboloy in Davao City, Philippines
On Sunday, May 9, 2021, Philippine President Rodrigo Roa Duterte has taken the time off his busy schedule to visit his longtime friend and spiritual adviser, International Television Evangelist Pastor Apollo C. Quiboloy of the Kingdom of Jesus Christ, at the congregation’s Central Headquarters in Davao City, Philippines.
On Hardwork and Perseverance
Pastor Apollo Quiboloy, who was fondly called “Dodong” when he was still a young boy, was close to his mother, Maria “Sica” Carreon. She taught him the rudiments of living a life with dignity, hard work, discipline, and honesty.
Your Friends shall be My Friends
Every little way you are helping the Ministry of the Appointed Son of God shall come back to you tenfold. One day, you will hear a voice say, “When I was hungry, you fed Me. When I was thirsty, you gave Me drink. When I was naked, you clothed Me.”
Staying in the Path of the Almighty Father’s Will
Amidst the numerous catastrophes that have befallen upon the world, Pastor Apollo Quiboloy has assured us that the righteous and those that stay in the path of the Almighty Father’s will are sheltered in the arms of the Almighty Father.
The Legacy of Love Continues…
April 25 has always been a very special day in the Kingdom nation because this day — Pastor Apollo C. Quiboloy’s birthday — has become a tradition of giving, a legacy of love, and a beacon of hope towards thousands upon thousands of destitute and disadvantaged children all over the world.
What is the wisdom behind praying for our enemies and blessing those who curse us?
Loving your enemies is refusing to retaliate and seeking for their good, that one day they will also be awakened. (Matthew 5:44-48, Luke 6:27-37)
16th Anniversary of the Birth of the Father’s Kingdom Nation
We are living in borrowed times. Gone are the years of man’s willful sinning. This is now the time to heed the call of repentance to return to Him and seek His ways. Do not delay, take heed, and follow the way to salvation.
Coronavirus Pandemic… Is There a Way of Escape?
Is a vaccine really the true and ultimate solution to the Coronavirus pandemic? Or is there a spiritual equivalent that people should begin to realize?
What is the best part of being an Appointed Son of God?
Being the center of the Father’s affection and being the apple of the Father’s eye. That is the best. Why do I say that? Because whenever I am going through so much oppression, even when I was in Tamayong, that is the only thing that I hear from the Father, “My Son, I love you.” And that resolves everything.
47th Anniversary of the Anointing of the Appointed Son of God
Pastor Apollo Quiboloy sends special greetings to all Kingdom Citizens as the Kingdom nation celebrates the 47th Anniversary of the Anointing of the Appointed Son of God.